Tiniyak ng Malacañang na handang harapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anumang impeachment complaint na isasampa kaugnay ng pagsuspinde kay Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang.
Reaksyon ito ni Presidential Spokesman Harry L. Roque sa sinabi ni Sen. Antonio Trillanes na impeachable offense daw ang ginawa ng Office of the President (OP) na patawan ng suspensyon si Carandang dahil mayroong jurisprudence ang Korte Suprema noong 2014 na pumabor sa apela ni Deputy Ombudsman Emelio Gonzales nang sibakin ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
Sinabi ni Sec. Roque, naninindigan ang Malacañang na may karapatan ang Office of the President na patawan ng parusa ang Deputy Ombudsman dahil hindi ito isang impeachable official gaya ng Ombudsman.
Ayon kay Roque, hinahamin nila si Trillanes na magsampa ng impeachment complaint laban kay Pangulong Duterte at haharapin ito ng Malacañang sa Kongreso.
Naninindigan si Roque na may gray area ang Supreme Court (SC) decision noong 2014 na nagdedeklarang unconstitutional ang Section 8 Paragraph 2 ng Republic Act 6770 o Ombudsman Charter na nagsasabing hanggang sa mga Special Prosecutor ang sakop ng kapangyarihan ng pangulo at hindi kasama ang Ombudsman at Deputy Ombudsman.
Si Carandang ay sinuspinde ng Malacañang dahil sa kasong grave misconduct at grave dishonesty dahil sa pagpapalabas ng umano’y bank transactions ni Pangulong Duterte na ginamit ni Sen. Trillanes sa kanyang pagbubulgar sa umano’y tagong yaman ng pamilyang Duterte.
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.
SOURCE : YOUTUBE
0 Mga Komento