Dengvaxia walang approval sa US-FDA, Pnoy statement under validation
Gumagawa ng hakbang ang Food and Drugs Administration (FDA)-Philippines upang makumpirma kung dumaan ba talaga sa US-FDA ang kontrobersyal na Dengvaxia vaccine bago ito binili ng Department of Health (DOH) sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulo Benigno Simeon Aquino III.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu kay FDA Philippines Director General Nela Charade G. Puno, sinabi nito na base sa nakuha nilang data ay hindi pa aprubado ng US-FDA ang Dengavaxia noong mga panahong sinasabi ni Pangulong Aquino na sinuri ang nasabing bakuna bago bilhin ng DOH.
Ayon kay Puno, wala rin sa website ng US-FDA ang ngayo’y kontrobersyal na bakuna.
Napuna rin nito na sa bansang France kung saan nag-originate ang manufacturer ng Dengvaxia na Sanofi Pasteur, ay wala rin itong approval mula sa kanilang FDA.
Bunsod nito ay gumawa ng task force ang FDA upang mapabilis ang data gathering tunkkol sa dengvaxia vaccine at maipaliwanag mabuti sa publiko ang mga mahahalagang impormasyon.
CREDIT : Boysen Fajardo Cestina
RELATED VIDEO HERE :
0 Mga Komento