Shabu Lab sa Rizal sinalakay, mahigit 500K na ibat ibang klase ng droga ang nasamsam.
Arestado ang apat na kalalakihan sa bahay na ginawang umano’y shabu lab sa Cogeo, Antipolo City, Rizal.
Nasamsam mula sa naturang bahay ang pinaghihinalaang shabu, marijuana at cocaine na nagkakahalagang P500,000, gayundin ang ilang pinaniniwalaang drug paraphernalia at armas.
Kinilala ang mga naaresto na sina Junjie Junrel, Jansen Chavez, Malome Amahan at Jess Christopher Marcaida.
Ayon sa unit director ng PDEA Special Enforcement Service na si Levi Ortiz, nadiskubre nila ang isang secret passage mula sa bahay na patungo sa naturang shabu lab.
Lumalabas din sa report ng tanggapan na ilan sa mga nakumpiskang marijuana ay naka-ready ng ibenta.
Inaalaman pa ng PDEA surveillance information kung may koneksyon ang mga naaresto sa isang armed group sa Northern Luzon, at kung matagal na ba ang operasyon ng mga suspek.
0 Mga Komento