MUST READ THIS :
Susukong miyembro ng NPA sa otoridad, tinambangan.
Pinagbabaril ng mga pinaghihinalaang kasapi ng New People’s Army (NPA) ang isa sa kanilang mga kasamahan na nakatakda na sanang bababa at sumoko sa mga alagad ng batas.
Nakilala ang biktima na isang Benjie Marcos Clarion na di umano’y pinatawag ang kanyang nakababatang kapatid sa Pangyan, Calinan, ng lungsod ng Davao upang pag-usapan ang kanyang pagsuko.
Posible umanong narinig ng mga kasamahan ang plano ng biktima kaya pinasundan ito at pinapatay.
Sa nangyaring pamamaril, damay ang kapatid nitong si Bernardo Marcos Clarion, isang construction worker na siyang kinausap ng biktima para sa dapat sana’y pagsuko.
Inihayag ni Lesyl Clarion, nakakatandang kapatid ng biktima, na hindi nila umano maaring pangalanan ang mga armadong gumawa sa krimen sa takot na balikan sila ng mga suspek.
Samantalang si Jay Apiag ng Karapatan Southern Mindanao ay nagpahayag na mga kasapi lamang ng militanteng grupong Sulong Kultura (SUKUL) ang dalawa at hindi umano tunay na mga kasapi ng NPA.
Samantala, mas tumibay naman daw ang duda ng PNP at AFP na kasapi ng NPA ang magkapatid matapos makuha sa posisyon ng mga nasawi ang Glock 17 9mm na armas ni PO3 Wilfredo Garol, Jr., intelligence police office ng Baguio Police Station na sinakyan ng dalawang suspek at binaril-patay matapos nitong ihatid sa eskwelahan sa Laman, New Valencia, Tugbok District ang asawa nito na guro sa isang elementary school nitong nakaraang buwan.
Ayon kay Lesyl na ang kanyang kapatid na si Benjie ay inilibing na lamang sa Paquibato dahil sa takot na pag-initan pa ang bangkay nito.
December 12 2017
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.
SOURCE :
0 Mga Komento