COTABATO CITY, Philippines (April 28, 2018) – Kumpiskado sa dalawang lalaking suspek ang shabu na umaabot ang halaga sa P6.8-M matapos ang isinagawang drug buy-bust operation ng Philipine Drug Enforcement Agency (PDEA) ARMM at Cotabato City PNP.
Isinagawa ang Drug Buy Bust Operation sa City Plaza na pinangunahan ni PDEA ARMM Director Juvenal Azurin kasama ang 5TH Special Force Battalion, City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU), CCPO-Police Station-1, Highway Patrol Group, Explosive and Ordinance Disposal (EOD), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-ARMM, TMC Cotabato City at Cotabato City LGU- Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) mag-aalas dos kahapon.
Ang nasabing operasyon ay nagresulta sa pagkakaresto ng mga drug suspects na sina Benjie Kaurak Macmod alyas Datu, 20 taong gulang, driver, at residente ng Barangay Tenorio, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao at si Tahir Mamasingod Kabalu, 38 taong gulang, driver at residente ng Upper Capiton, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Ayon sa ulat ng otoridad, nagpanggap na buyer ang isang agent ng PDEA ARMM na nagresulta sa pagkakadakip ng mga itinuturing na ‘high value target’ na mga suspected drug pusher.
Dagdag pa nila, puntirya lang sana ng mga taga PDEA ARMM ang shabung nagkakahalaga ng nasa P50,000 pero nagulat sila dalang 20 jumbo sachet ng Shabu ng mga suspeks .
Maliban sa shabu , dalawang granada rin ang nakumpiska sa mga suspek.
Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa maaring mga kasamahan pa ng mga naaresto habang kasalukuyang nakakulong ang mga ito sa selda ng PDEA ARMM sa Cotabato City.
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.
Source : News5
0 Mga Komento