Mainit ang naging palitan ng salita sa pagitan nina Supreme Court (SC) Chief Justice on leave Maria Lourdes Sereno at Associate Justice Teresita de Castro sa oral arguments na idinaos nitong Martes sa Baguio City.
Dinidinig ng SC ang quo warranto petition ng Office of the Solicitor General (OSG) para mapawalang-bisa ang pagkakatalaga kay Sereno bilang punong mahistrado.
Si De Castro ang buena manong nagtanong kay Sereno, na kilalang naging katunggali nitong huli at naiulat ding madalas na nakakaalitan sa loob ng Korte Suprema.
Maraming beses nagtaasan ng boses ang dalawang mahistrado, at mitsa nito ang unang tanong pa lang ni De Castro tungkol sa Statement of Assets, Liabilities, and Net worth (SALN) ni Sereno.
“I would like to ask you about the submission of your SALN. Did you religiously comply with the submission of the SALN as mandated by law?” tanong ni De Castro.
Hindi agad ito sinagot ni Sereno, at bagkus ay tila ibinalik niya ang tanong sa mga mahistrado na kung handa ba silang sumailalim rin sa quo warranto sakaling ungkatin ang kanilang SALN.
“Before I answer that question, can I have your assurance that should a quo warranto petition be filed against any of you, on the ground that one or more of your SALNs are not on record, that you would also, under oath, declare before this court, answer all questions regarding your SALNs,” paghahamon ni Sereno.
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.
SOURCE : YOUTUBE
0 Mga Komento