PANOORIN! Human rights groups, pinopondohan ng mga Drugs Lords PARA PABAGSAKIN ANG GOBYERNO…

Bukas ang Palasyo sa posibilidad na pinopondohan ng ilang drug lords ang mga human rights groups para patuloy na atakihin at kalauna’y pabagsakin ang kasalukuyang administrasyon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kapansin-pansin na raw kasi ang walang-tigil at tumitinding pag-atake laban sa war on drugs ng gobyerno.

“The attacks against the President’s war on drugs have been vicious and non-stop,” sabi ni Roque sa isang pahayag.

“We therefore do not discount the possibility that some human rights groups have become unwitting tools of drug lords to hinder the strides made by the Administration,” dagdag pa ng kalihim.

Ayon pa kay Roque, dahil sa war on drugs ni President Rodrigo Duterte, napilay nang husto ang operasyon ng iligal na droga sa bansa. Kaya hindi raw malabong tustusan ng mga drug lord ang mga hakbang laban sa pamahalaan.

“The illegal drug trade is a multi-billion-peso industry and billions have been lost with the voluntary surrender of more than a million drug users, arrest of tens of thousands of drug personalities, and seizure of billion-peso clandestine drug laboratories and factories,” paliwanag niya.

“To continue to do and thrive in the drug business, these drug lords can easily use their drug money to fund destabilization efforts against the government,” sabi pa ni Roque.

Source : News5


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento