Si Guevarra ay nagtapos ng Economics sa University of the Philippines (UP) pagkatapos makakuha ng A.B. degree, Major in Political Science sa Ateneo de Manila University noong 1974.
Habang nag-aaral ng abogasya sa Ateneo sa gabi, siya ay nagtatrabaho bilang staff economist sa National Economic and Development Authority (NEDA) at sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Si Guevarra ay second placer sa 1985 Bar examinations at unang trabaho nito bilang abugado ang pagiging technical staff sa 1986 Constitutional Commission.
Nagsilbi rin si Sec. Guevarra bilang miyembro ng 2010 Philippine Truth Commission, naitalagang Deputy Executive Secretary for Legal Affairs sa Office of the President noong May 2015 at Commissioner ng Philippine Competition Commission noong Febuary 2016.
Source: Facebook
0 Mga Komento