[WATCH THIS!…] ‘I love Xi Jinping’: Pres Duterte nagpasalamat sa Tsina pero ‘di aatras sa usaping teritoryo’….

ADVERTISEMENT

Muling makahaharap ni Pangulong Duterte sa kaniyang pagpunta uli sa Tsina ang kaniyang itinuturing na matalik na kaibigan na si President Xi Jinping sa isang bilateral meeting sa Martes, Abril 10.

“I just simply love Xi Jinping. He understands my problem. He’s willing to help. I’d like to say thank you, China (Mahal ko si Xi Jinping. Naiintindihan niya ang suliranin ko at handa siyang tumulong. Maraming salamat sa Tsina),” ani Duterte.

Inaasahang sesentro ang usapan ng dalawang pinuno sa kooperasyon para sa lalong pagpapatatag ng ekonomiya ng rehiyon pati na ang banta ng terorismo.

Pero sa kabila ng magandang relasyon ng pangulo sa Tsina, hindi raw mangingimi si Duterte na banggitin ang isyu ng sigalot sa South China Sea kung kinakailangan.

Lalo na ngayong ikinakasa sa pinag-aagawang teritoryo ang pagkakaroon ng joint exploration ng dalawang bansa.

“I am into the business. I am not going into a war… In the meantime, I need the resources of my country to make the people comfortable,” ani Duterte.

Sa kanilang pulong, ilang kasunduan din ang nakatakdang lagdaan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina, kabilang na ang loan agreement para sa Chico River Dam Project at ang kasunduang magbubukas ng pinto para sa mas maraming Pinoy English teachers sa Tsiina.

ADVERTISEMENT

WATCH THE VIDEO BELOW :

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

SOURCE : YOUTUBE


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento