Dela Rosa, mananatiling PNP Chief-Duterte

Mananatili sa kanyang puwesto si PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa.

Ito ang pagtitiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang panayam kasabay ng pagdalo sa ika-55 taong kaarawan ni Dela Rosa sa Kampo Crame.

Ayon kay Duterte, nananatili ang kanyang buong tiwala kay Dela Rosa.

Kasabay nito, tiniyak rin ni Pangulong Duterte na sinuman sa mga pulis na nasasangkot sa pagpatay sa South Korean na dating executive ng Hanjin na si Jee Ick-Joo ay mananagot sa batas.

Matatandaang ilang sektor na ang nananawagan kay Pangulong Duterte na sibakin na sa puwesto si Dela Rosa matapos masangkot ang ilang alagad ng batas sa pagpaslang sa dayuhan.

Lalo pa itong umigting nang mismong si Dela Rosa ang umaming pinaslang si Jee sa loob mismo ng Kampo Crame na mismong headquarters ng PNP.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento