“Galit ako, kasi pati ako napahiya.”
Ito ang reaksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng pagkakasangkot ng mga pulis sa pagdukot at pagpatay sa Koreanong negosyante na si Jee Ick Joo.
Inilabas ng pangulo ang kaniyang galit kaugnay ng kasong ito sa kaniyang press conference pasado hatinggabi kanina sa Malacañang kasama ang ilan sa kaniyang mga kalihim at si Philippine National Police (PNP) Director Gen. Ronald dela Rosa.
Sa galit ng pangulo, sinabi niya na sukdulan ang kurapsyon sa PNP o na sila ay “corrupt to the core.”
Aniya, halos lahat o 40 percent sa mga pulis ay sanay na sanay na sa kurapsyon.
Binanatan rin ng pangulo si Supt. Rafael Dumlao ng PNP Anti-Illegal Drugs Group na sangkot rin sa pagpatay kay Jee.
Bago niya malamang nasa kustodiya na ng PNP si Dumlao, nagbigay pa si Duterte ng P5 milyong pabuya sa makapagdadala sa kaniya sa nasabing pulis.
Iginiit ng pangulo na kaya malaki ang pabuya laban kay Dumlao dahil sinira nito ang imahe ng PNP.
0 Mga Komento