Bumaba nang limang puntos ang net satisfaction rating sa administrasyong Duterte sa huling bahagi ng 2016 batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS).
Mula sa +66 noong third quarter ng 2016, nasa +61 na lamang ito noong fourth quarter ng parehong taon.
Sa kabila nito, nanatiling ‘very good’ ang satisfaction rating sa administrasyong Duterte.
73{690054ee6099d6a6b2796e3ceb53c1e4ff8862595d137005083829ced1c0ded5} ng mga Pilipino ang nagsabing sila ay nasiyahan sa performance ng administrasyon, habang 12{690054ee6099d6a6b2796e3ceb53c1e4ff8862595d137005083829ced1c0ded5} naman ang hindi nasiyahan.
Nasa 15{690054ee6099d6a6b2796e3ceb53c1e4ff8862595d137005083829ced1c0ded5} naman ang nagsabing sila ay undecided.
Isinagawa ng SWS ang naturang survey sa 1,500 adults sa iba’t ibang bahagi ng bansa mula December 3 hanggang 6, 2016.
Kabilang sa mga binigyan ng grading ‘very good’ ng mga respondent ay ang performance ng gobyerno sa sumusunod na aspeto:
helping the poor (+66)
promoting human rights (+56)
defending the Philippines territorial rights (+54)
providing jobs (+51)
fighting crimes (+50)
developing science and technology (+50)
Habang ‘good’ naman ang ibinigay na grado sa pamahalaan sa mga aspeto ng:
ensuring an efficient transportation system (+48)
foreign relations (+46)
eradicating graft and corruption (+45)
fighting terrorism (+41)
addressing extrajudicial killings (+40)
ensuring that no family will ever be hungry (+34)
reconciliation with Muslim rebels (+33)
reconciliation with communist rebels (+30)
0 Mga Komento