Pagpapa-impeach ng Kamara kay CJ Sereno ‘expected’ na’ – counsel
Inaasahan na umano ng kampo ni Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno na ang desisyon ng House Justice Committee ay talagang ipa-impeach ang punong mahistrado.
Sinabi ni Atty. Jojo Lacanilao, isa sa mga tagapagsalita ni Sereno, hindi pa rito nagtatapos ang lahat dahil sa Senado raw lalabas ang katotohanan sa mga ibinabatong alegasyon laban sa chief justice
Gayunman, hindi naman daw sila kumbinsido sa naging desisyon ng Kamara na ma-impeach si Sereno sa pamamagitan ng botong 13-2.
Sa huli ang burden of truth ay nakasalalay pa rin umano sa House Justice Committee.
Maalalang kanina lamang ay nagdesisyon na ang komite na isailalim sa impeachment ang punong mahistrado sa Senado na tumatayong impeachment court.
Ngunit si Chief Justice Maria Lourdes Sereno, naniniwalang hindi siya mai-impeach sa senado dahil walang ebidensya ang Kamara na naging sapat na basehan para mahatulan ito sa nakatakdang susunod na impeachment trials
source : noynoyingnomoreph
0 Mga Komento