Administrasyong Duterte tinawag na praning ng isang kongresista

Napapraning na raw ang administrasyon dahil sa umano’y coup plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Akbayan Partylist Rep. Tom Villarin, sa mahigit anim na libong nasawi sa kasagsagan ng war on drugs ay  hindi na raw siya nagtataka sa nangyayari ngayon sa pamahalaan.

Ani pa ni Villarin, isa sa mga kongresistang bahagi ng Magnificent 7 ng Kamara na mistulang sinisira ng gobyerno ang sarili nito dahil sa mga polisiya at pronouncements na inilalabas ng pangulo at hindi dahil sa external threats o bantang gaya ng destabilization plot.

Giit ng mambabatas, mas nababahala ang mga tao sa pagtaas ng bilang ng extra judicial killings at pagsadsad ng ekonomiya  kaysa sa pinalulutang na kudeta kontra sa pangulo.

Dagdag ni Villarin, mas mainam kung tututok ang Duterte administration sa problema sa kahirapan lalo’t tumaas ang bilang mga Pilipinong walang trabaho o pangkabuhayan at patuloy rin ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin

Ang pahayag ni Villarin ay kaugnay pa rin sa balak na pagpapatalsik kay Duterte bilang Pangulo ng bansa, na rekumendasyon daw ni dating US Ambassador Philip Goldberg sa Amerika.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento