Dagdag sahod sa mga pulis at sundalo Kasado na

Good news para sa mga pulis at sundalo!

Kinumpirma kasi ni Budget Sec. Benjamin Diokno na maisasakatuparan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang pangakong dagdag sahod sa mga pulis at sundalo ngayong taon.

Ito ay dahil ayon sa kalihim, naisama sa inaprubahang 2017 national budget ang ibibigay na karagdagang sweldo sa mga pulis at sundalo.

Gayunman, hindi na nagbigay ng iba pang detalye si Diokno tungkol sa kung magkano ang inilaan na pondo para dito.

Aniya, iaanunsyo niya rin ito sa kaniyang pagharap sa media ngayong araw.

Matatandaang isa talaga sa mga pangako ni Pangulong Duterte ang pagpapataas sa sahod ng mga pulis at sundalo upang pataasin ang morale ng mga ito, lalo’t sila ang namamahala sa seguridad ng mga mamamayan at ng buong bansa.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento