De Lima, aminadong may agam-agam sa magiging resulta ng ethics complaint

Inamin ni Sen. Leila de Lima na may agam-agam siya sa magiging desisyon ng Senate ethics committee ukol sa reklamo sa kanya ng Mababang Kapulungan ukol sa ginawang pagtatago ng kanyang nakarelasyon na si Ronnie Dayan.

Aniya, hindi naman maitatanggi na may mga kapwa senador na kontra sa kanyang mga nagawa hakbang partikular na sa mga kinasangkutan niyang senate hearings.

Ngunit aniya, ayaw naman niyang isipin na magiging ‘biased’ kontra sa kanya ang ilang kapwa mambabatas dahil ayaw niyang magkaroon ng tensyon sa pagitan nila.

Dagdag pa ng senadora, umaasa at ipinagdarasal niya na pakikinggan ng mga kapwa niya senador ang kanilang paliwanag at magiging patas ang mga ito.

Binanggit pa ni De Lima na magiging mahirap para sa mga kapwa niya senador ang magdesisyon dahil ang kanilang huhusgahan ay kasama nila sa Senado.

Inaasahan na sa pagbabalik sesyon ng Senado ay matatalakay na ang mga ethics complaint na inihain laban kay De Lima.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento