Duterte sa hamong impeachment: “Ba’t andaming daldal? Go Ahead, impeach me”

Go ahead. Impeach me.

Ito ang naging hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa banta ni Senador Leila de Lima na ‘impeachable offense’ umano ang ginawa ng pangulo nang kampihan at ipagtanggol ang mga pulis na nakapatay kay suspected dr*ug lord Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr. sa Baybay subprovincial jail.

Ayon sa pangulo, bakit marami pang daldal si De Lima at hindi na lamang maghain ng impeachment complaint.

“They can go ahead. Bakit pa mas maraming daldal? Sige na, impeach na… Hayaan mo sila. Sige impeachable, go ahead.” Hamon ng pangulo.

Giit pa nito, hahayaaan lamang niya si De Lima na ikasa ang pagpapa-impeach sa kanya.

Una rito, sinabi ni De Lima na ‘betrayal of public trust’ ang ginawa ng pangulo sa pagkampi sa mga pulis.

 Sa panig naman ni chief presidential legal counsel Salvador Panelo, iginiit nitong hindi ‘impeachable offense’ ang ginawa ng pangulo.

Tungkulin aniya ng pangulo na protektahan ang mga pulis na tumutupad sa kanilang tungkulin at tumatalima sa kanyang utos na sugpuin ang ilegal na droga sa bansa.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento