DWSD Secretarty “Hands-on” sa Pagbabago!

Umiikot ngayon sa komunidad ng Butuan si DSWD Sec. Judy M. Taguiwalo para masimulan ang malawakang kamustahan ng DSWD na ang layunin ay alamin ang kalagayan 4.4M beneficiaries ng DSWD, ano na sitwasyon nila, ano ang kailangan nila para makatawid sa kahirapan.

Samantala, ang iba’t-ibang opisyales ng ahensya (mga undersecretary, assistant secretary, at direktor ay umiikot din sa ibang bahagi ng bansa).

Sinabi ni Sec. Manay Judy na mahalagang bumababa sa masa at mga opisyales ng DSWD sa mga komunidad ng ating mga maralitang kababayan at huwag lang maglagi sa mga opisina upang maghintay ng mga ulat.

Dito sa mga larawan, nakikipag-usap si Sec. Manay Judy at DSWD Caraga Regional Director Minda Brigoli sa isang 4Ps beneficiary sa Brgy. Mambalili, Bunawan, Agusan del Sur.

Hindi po alam ng mga beneficiary na DSWD secretary ang kausap nila.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento