Mga pagpatay ni Pang. Duterte noon, legal ayon sa MalacaƱang

Mula sa lehitimong mga police operation ang mga nabanggit na mga insidente ni Pangulong Duterte kung saan nakapatay umano ito ng mga kriminal sa Davao City noong ito’y alkalde pa ng lungsod.

Ito ang iginiit ng Palasyo ng MalacaƱang bilang tugon sa panawagan ng United Nations High Commissioner for Human Rights na si Zeid Ra’ad Al Hussein na imbestigahan ng mga kinauukulan ang pag-amin ni Duterte na nakapatay ito ng ilang mga kriminal umano noong ito ay mayor pa ng Davao City.

Ayon kay Presidential spokesperson Ernesto Abella, noon pa man, ay nalinaw na sa media ang mga insidenteng binanggit ni Pangulong Duterte.

Ang mga ito aniya ay bahagi ng lehitimong mga police action.

Ayon naman kay Communications Secretary Martin Andanar, naimbestigahan na rin ng Commission on Human Rights na noo’y pinamumunuan ni Senador Leila De Lima ang mga naturang insidente ng mga patayan sa Davao City.

Sa mga naturang imbestigasyon aniya, walang nakitang koneksyon o ebidensyang makapagpapatunay na sangkot ang pangulo sa mga patayan sa Davao.

Naninindigan naman si Atty. Salvador Panelo, chief legal counsel ng Pangulo na immune from suit si Duterte.

Sa kabila nito, iginiit ng MalacaƱang na kanilang iginagalang ang opinyon ng UN High Commissoner.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento