Duterte, dadalo sa APEC; gustong maging ‘friend’ si Putin

Kinumpirma na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit sa November 19 hanggang 20 sa Peru.

Sa panayam ng mga mamamahayag, sinabi ni Duterte na umaasa rin siyang makakapulong niya sa naturang okasyon si Russian President Vladimir Putin.

Nakapanayam na rin niya aniya si Russian Ambassador to the Philippines Igor Khovaev sa Malacañang kagabi at kanyang binanggit ang hangarin na magkaroon ng bilateral meeting kay Putin.

Dagdag pa ng pangulo, wala naman siyang partikular na hihingiin dito sakaling sila ay magkita.

Nais lamang niya aniyang maging kaibigan si Putin at maging ‘best friends’ ang Russia at pilipinas.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento