Diretsang binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga tiwaling opisyal ng Philipine National Police, National Bureau of Investigation at iba pang law enforcers sa bansa na huwag siyang lolokohin o gagaguhin pagdating sa trabaho.
Sa talumpati ng pangulo sa ikawalumpung anibersaryo ng NBI, diretsang binalaan ng pangulo ang mga tiwaling law enforcers na mamili kung anong uri ng kamatayan ang kanilang susuuingin, kung sniper ba o ambush.
“Do not s*** with me. Sabihin mo sa akin ang totoo. Lalo na sa trabaho. But, if you are accused of extortion, kidnapping, some of you who are involve there. Do not do it in my time. You do it, patayin kita. Anong gusto mo? Barrett na sniper? O ambush? O, mamili ka, mamili ka,”hamon ng pangulo sa mga alagad ng batas.
Iginiit ng pangulo na inaasahan niyang magtrabaho ang miyembro ng ahensya at sundin ang kanyang mga direktiba.
Ayon sa Pangulong Duterte, basta gawin lamang nila ang tama ang tungkulin lalo sa kampanya kontra krimen at magsabi ng totoo, siya ang poprotekta sa kanila lalo kapag kinasuhan.
Pero kapag daw akusado sila ng extortion, kidnapping, mamili na sila kung papaanong paraan nila nais na matapo ang kanilang buhay.
0 Mga Komento