February cash remittance, tumaas ng 3.4{361df6b2344455361d473db8e2b3e7dce165a69a82d441269b197482ffe16387}

Nananatili sa 2-billion dollar level ang antas ng mga cash remittances ng mga Pinoy na nasa ibayong dagat sa long ng nakalipas na labintatlong buwan.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, nasa $2.169 billion ang remittances noong nakaraang Pebrero, na kapareho lamang ng pumasok na dolyar sa bansa noong January.

Ang February remittance ay mas mataas naman ng 3.4 percent kung ikukumpara sa $2.098 billion na nakolekta sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Paliwanag ng BSP, nasa $1.7 billion ng cash remittances na ipanadala ng mga Pinoy noong February ay nagmula sa land-based employees samantalang ang natitirang $500 million at mula sa mga sea-based workers.

Ang top six contributors na nagbigay cash remittance growth ay nagmula sa Japan, Qatar, Singapore, Taiwan, United Arab Emirates, at Amerika.

Noong 2016, umabot sa $26.9 bilyon ang kabuuang cash remittances na mas mataas ng limang porsiyento kumpara sa $25.607 na nakolekta noong 2015.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento