Mga PSG at sundalong nasugatan sa ambush sa Marawi, binigyan ng medalya ni Duterte

Binigyang parangal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sundalo at miyembro ng Presidential Security Group (PSG) na nasugatan sa pagsabog ng improvised explosive device (IED) sa Marawi City bago ang nakatakda niya sanang pagpunta doon.

Dinalaw ni Duterte ang 11 sundalo sa Polymedic Medical Plaza at Camp Evangelista Station Hospital sa Cagayan de Oro kung saan sila kasalukuyang ginagamot.

Ayon sa pangulo, terible ang nangyari lalo na’t sarili niyang mga tauhan ang natamaan sa nasabing pagsabog.

Bilang pagkilala at pasasalamat sa kanilang katapangan, binigyan ni Pangulong Duterte ng medalya ang mga sumusunod:

– Cpl. Vincent Paniza
– PFC James Gonzales
– Sgt. Jesus Garcia
– Cpl. Rodel Genova
– Cpl. Edward de Leon
– S/Sgt. Eufrociho Payumo Jr.
– Cpt. Reynaldo Zamora Jr.
– Cpl. Joselito Gallentes
– Sgt. Eric Ubalde
– PFC Fernando Corpuz
– S/Sgt. Renie Damso

Sila ang mga nasugatang tauhan ng militar at PSG na naunang tumungo sa Marawi City bilang advance party ng pangulo sa Marawi City noong nakaraang araw.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento