Matatamasa na sa wakas ng mga persons with disabilities o PWDs ang exemption sa pagbabayad ng 12{690054ee6099d6a6b2796e3ceb53c1e4ff8862595d137005083829ced1c0ded5} value added tax o VAT sa mga bilihin at serbisyo.
Ito ay matapos mabuo na ng mga ahensiya ng pamahalaan sa pangunguna ng DSWD ang implementing rules and regulations o IRR ng Republic Act 10754 na nagpapalawak ng benepisyo at prebilehiyo ng mga may kapansanan.
Ang batas na ito ay iniakda sa Kamara ni dating Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez habang sina Senador Sonny Angara, Ralph Recto, Bam Aquino at Nancy Binay naman ang may akda nito sa Senado.
Ang batas, na kilala ring PWD Law ay nilagdaan ni dating Pangulong Noynoy Aquino noong March 2016.
Sinabi ni Romualdez na isa at kalahating milyon na Pilipinong may kapansanan ang makikinabang sa VAT exemption.
Papantay na sa mga senior citizens ang benepisyong pakikinabangan ng PWDs dahil dito.
Bukod naman sa 12{690054ee6099d6a6b2796e3ceb53c1e4ff8862595d137005083829ced1c0ded5} VAT exemption, may 20{690054ee6099d6a6b2796e3ceb53c1e4ff8862595d137005083829ced1c0ded5} discount pa ang PWDs sa mga pamilihin at pagkain, mga gamot at healthcare services./ Isa Avendaño-Umali
At matapos ang ceremonial signing ay inaasahang maipatutupad na ang batas, ayon kay Romualdez.
Nagpasalamat naman si Romualdez kay DSWD Secretary Judy Taguiwalo at iba pang ahensiya ng pamahalaan na nagtrabaho para matapos ang IRR ng batas na ito.
0 Mga Komento