Richard Gomez, may 3 testigo vs imbentong kwento na Sangkot siya sa Droga

Tatlong testigo ang hawak ngayon ng kampo ni Ormoc Mayor Richard Gomez na magpapatunay na imbento lang kwento na pilit na pagsasangkot sa kanya sa iligal na droga.

Ayon kay Atty, Adelito Solibaga, ang hawak nilang mga saksi ang magpapatunay na hindi totoong kasama si Gomez sa sinasabing listahan ni dating Albuera Mayor Ronaldo Espinosa ng mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa droga.

Sinabi ni Solibaga na ang mga hawak nilang witness ay mga dating tauhan ng sinasabing dr*ug lord na si Kerwin Espinosa.

Handa din aniya ang mga witness nila na humarap sa mga susunod na pagdinig ng senado.

Humihingi aniya ngayon ang tatlo na mapasailaim sa Witness Protection Program bago ilahad ang lahat ng kanilang nalalaman sa dr*ug trade sa Leyte.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento