‘5 brgy. kagawad na tumangging ipahuli ang kababayang drug personality, kakasuhan’

Posibleng kasuhan ang limang barangay kagawad sa Barangay Malindong, Binmaley, Pangasinan, kasunod ng kanilang pag-alma sa pag-aresto ng mga pulis sa kabarangay nilang drug personality.

Bahagyang naantala ang paghuli sa suspek na si Victor Vinluan na nakumpiskahan ng 12 sachet ng shabu matapos umatras sa isinagawang operasyon.

Inalmahan ng mga barangay official ang pag-akyat ng mga pulis sa bahay ng suspek na hindi sila kasama subalit iginiit ng mga otoridad na wala silang nilabag sa isinagawang operasyon.

Umabot pa ang insidente sa Department of the Interior and Local Government at tanggapan ng alkalde at interior and local government subalit naaresto rin kinalaunan ang suspek.

Napag-alaman na si Vinluan ay nasa drug watchlist ng Philippine National Police na sumuko na rin noon sa isinagawang Oplan Tokhang.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento