Birthday wish ni CGMA: ‘Tagumpay para kay Duterte’

Hindi para sa kanyang sarili kundi para kay Pangulong Rodrigo Duterte ang “wish” ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang ika-70th Birthday ngayong araw.

Sinabi ng kongresista na wala na siyang mahihiling na sapagkat halos nasa kanya na rin naman na raw ang lahat.

Dahil dito, inaalay na lamang daw niya ang kanyang Birthday wish kay Pangulong Duterte na nawa raw ay magtagumpay sa paninilbihan nito sa taumbayan, gayundin ang tagumpay ng bansa.

Nabatid na malapit na magkaibigan sina Arroyo at Pangulong Duterte, kahit noong presidente pa ng bansa ang kongresista mula Pampanga.

Ang tagumpay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ‘wish’ ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na nagdiriwang ng kanyang ika-pitumpung kaarawan ngayong April 5.

Ayon kay Arroyo, wala na siyang ‘personal wish’ dahil sa tingin niya ay nasa kanya na ang lahat, at naging pinaka-mataas na lider pa ng Pilipinas.

Pero kung may hiling man siya, sana raw ay magtagumpay si Presidente Duterte dahil ang tagumpay nito at tagumpay ng buong bansa.

Si Arroyo ay kilalang malapit kay Pangulong Duterte.

Si CGMA ay nagdiriwang ng kanyang birthday sa kanyang hometown sa Pampanga.

Kaninang umaga ay dumalo siya sa isang misa sa St. Augustine Church sa Lubao, kasama ang kanyang pamilya sa pangunguna ni dating First Gentleman Mike Arroyo.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento