“Si Leni, apurado masyado maging presidente.”
Ito ang tahasang binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng daan-daang mga Overseas Filipino Workers sa Nay Pyi Daw sa bansang Myanmar kasabay ng pagbisita nito sa naturang bansa.
Bago umalis tungong Myanmar, binanggit rin ng pangulo na hindi siya magugulat kung sakaling may alam si Robredo sa naturang plano.
Gayunman, agad din niya itong binawi sa pagsasabing ayaw niyang manghula sa naturang isyu.
“I will not be surprised if she is there…or I will not also be— I will also not speculate if she is not there.”
“Kasi ako hindi ako nakikialam sa buhay niya. Sana hindi niya rin pakialaman ‘yung akin.” Giit ng Pangulong Duterte sa pagharap nito sa mga mamamahayag bago ito lumipad patungong Myanmar.
Bukod kay Robredo, kinastigo rin ng pangulo sina Senador Leila De Lima at Antonio Trillanes IV.
0 Mga Komento