Paghihigante ang motibo ng kampo ni Pang. Rodrigo Duterte sa paghain ng impeachment complaint laban kay Vice-President Leni Robredo.
Sa panayam ng ating reporter kay Akbayan Partylist Rep. Tom Villarin, sinabi nito na hindi makatarungan ang panggigipit nila sa bise-presidente.
Aniya, wala silang basehan sa ihahaing reklamo at nakakatawa ang kanilang paliwanag sa nilalalaman ng impeachment complaint na kahit sinong kongresista aniya ang hindi papabor dito.
Ngunit nababahala sila dahil maari ring bantaan ng liderato ng Kamara ang mga kongresistang tututol dito na sisibakin sa kanilang hinahawakang komitiba kapag hindi sila pumabor na ma-impeach si Robredo.
Mababatid na nangyari rin ang ganitong sistema sa Kamara nang pinagbotohan ang death penalty bill kamakailan lang kung saan ilan sa mga kasapi ng ‘supermajority’ na tumutol sa panukala ay sinibak sa kanilang mga pwesto.
Naniniwala naman si Villarin na magkakagulo lamang ang Kamara kapag pinilit ng liderato nito ang mga kongresista na tututol sa pagsulong ng impeachment complaint laban kay Robredo.
0 Mga Komento