Mayroon nang nakahandang impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo.
Ipinadala na nina Atty. Oliver Lozano at Melchor Chavez ang kopya ng reklamo sa tanggapan ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa Batasan Pambansa, sa pamamagitan ng messenger.
Hindi pa pormal na maihain nina Lozano ang complaint dahil wala pa itong endorsement mula sa sinumang incumbent congressman.
Kaya minabuting dalhin muna ito sa Office of the Speaker sa pag-asang i-endorso ito ni Alvarez, na nauna nang nagpalutang ng impeachment laban kay Robredo.
Sa reklamo nina Lozano at Chavez, ang mga ground laban kay Robredo ay culpable violation of the Constitution at betrayal of public trust.
Ang ugat umano nito ay ang video report ni Robredo sa United Nations o UN Commission on Drugs kung saan binanggit nito ang pitong libong biktima ng extra judicial killings o EJKs.
Base pa sa complaint, siniraan daw ni VP Robredo ang Pilipinas sa buong mundo at disservice umani sa sambayanang Pilipino.
0 Mga Komento