Mga heavy equipment ng construction company sa Cagayan, muntik sunugin ng NPA. Mahigpit nang babantayan ng mga militar ang ginagawang daan sa bayan ng Alcala, Cagayan.
Ito’y matapos ang tangkang pagsunog ng umano’y mga kasapi ng New People’s Army (NPA) sa dalawang backhoe at pison sa nasabing proyekto kagabi.
Ayon sa Armed Forces of the Philippines, tumalilis ang tinatayang anim na NPA members nang matunugan ang pagdating ng mga otoridad kaya agad na naapula ang apoy sa mga equipment.
Nabatid na ginamit din ng mga suspek na getaway vehicle ang elf truck na pagmamay-ari ng construction company.
Narekober ang sasakyan isang kilometro ang layo sa pinangyarihan ng insidente na nasunog na.
Rally ng daan-daang NPA, nagpabigat sa daloy ng trapiko sa Cubao
Nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko ngayong Lunes ang biglaang pagsulpot ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Cubao, Quezon City.
Layunin daw nitong maipabatid sa publiko ang kanilang mga saloobin, ilang araw bago ang 48th anniversary ng NPA sa Marso 29, 2017.
Bandang alas-8:00 ng umaga nang okupahin ng mga ito ang nasabing lugar at tumagal ang aktibidad sa loob ng halos 20 minuto.
Nakasuot ang mga nag-rally ng Camisa Chino, Mao cap at may takip ang kalahati ng mukha ng panyo na may logo ng NPA.
Makalipas ang aktibidad, nagpulasan din ang mga ito patungo sa iba’t-ibang direksyon.
0 Mga Komento