Simbahang Katolika, malalaos sa loob ng 30 taon-Duterte

Tiyak na magiging laos na ang Simbahang Katolika sa susunod na tatlumpong taon

Sa talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mass oath taking ng mga bagong talagang opsiyal sa pamahalaan at Philippines Councilors League, sinabi nito na mga ipokrtio ang mga kagawad ng Simbahang Katolika.

Panay aniya ang banat ng mga pari sa kanyang kampanya sa ilegal na droga subalit wala namang ginagawa para tugunanan ang problema.

Binatikos din ng pangulo ang pagiging moralista ng mga kagawad ng Simbahan gayung gaya niya, ay mayroon din namang tig-dalawa o tatlong asawa ang mga pari o ang mga obispo.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento