TINGNAN: Oarfish, natagpuang patay sa Agusan

CABADBARAN, Agusan del Norte – Isang oarfish na pinaniniwalaang senyales ng paparating na lindol ang natagpuan sa Barangay Tolosa, Linggo ng madaling-araw.
Kwento sa isang mangingisda, napagkamalan pa nilang sako ang halos 14-talampakang isda bago ito dalhin sa baybayin.

Hinihinalang 4 o 5 araw nang patay ang oarfish dahil nangangamoy na ito at nagsimula nang maagnas.

Inilibing na ng mga residente ang isda na siyang unang oarfish na nakita sa barangay.

Ilang eksperto ang naniniwalang may kakayahan ang mga deep-sea fish tulad ng oarfish na makaramdam ng mga paggalaw sa ilalim ng lupa.

Ayon sa Kiyoshi Wadatsumi, sa isang pahayag na iniulat ng Japan Times, sensitibo ang mga naturang lamang-dagat sa pagglaw ng mga fault.

Nito lang Sabado, niyanig ng magkakasunod na lindol ang Batangas province dahil sa paggalaw ng isang fault line, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento