Ipinag-utos na ni Muntinlupa RTC Branch 204 Judge Juanita T. Guerrero ang pag-aresto kay Sen. Leila De Lima at iba pa kaugnay sa kasong may kaugnayan sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP) noong siya pa ay kalihim ng Department of Justice.
Inilabas ang nasabing warrant of arrest kaninang 3:45 ng hapon.
Sa sala ni Guerrero nakasampa ang Criminal Case No. 17-165 kung saan ay co-accused niya sina dating Bureau of Corrections (BuCor) Officer-in-Charge at National Bureau of Investigation Deputy Dir. Rafael Ragos at ang kanyang dating driver at lover na si Ronnie Dayan.
Si Dayan ay sinasabing dating bagman ni De Lima samantalang si Ragos naman ay umamin sa Senate investigation na siyang nagdala ng malaking halaga ng salapi sa bahay ng dating DOJ secretary.
Bukod sa sala ni Judge Guerrero ay mga drug-related cases rin na kinakaharap si De Lima at iba pang indibiduwal sa sala nina Muntinlupa RTC Branch 205 Judge Amelia Fabros-Corpuz at Branch 206 Judge patria Manalastas-De Leon.
0 Mga Komento