Duterte, ‘di nagbibiro sa bantang magdedeklara ng Martial Law sa Mindanao

Seryoso umano si Pangulong Rodrigo Duterte sa banta nitong magdeklara ng Martial Law sa Mindanao kung magpapatuloy ang karahasan ng New People’s Army (NPA) sa nasabing lugar.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo kay Interior Secretary Ismael Sueno, sinabi nito na bagama’t palabirong tao si Duterte pero pagdating sa trabaho nito bilang presidente ay seryoso ito.

Patunay aniya rito ang malakas na kampanya ng administrasyon laban sa terorismo, kriminalidad at lalong-lalo na sa iligal na droga.

Ayon kay Sec. Sueno, noon ay ayaw ni Pangulong Duterte sa Martial Law sa kabila ng pag-uudyok sa kaniya subalit ngayon ay siya na mismo ang nagsabing handa siyang ideklara ang batas militar kung magpapatuloy ang paghasik ng karahasan sa Mindanao.

Ibig sabihin daw nito ay walang halong biro at talagang seryoso ang punong ehekutibo sa kaniyang sinabi.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento