‘Evil of a woman’ na si Sandra Cam, dapat i-expose at makulong – Leila de Lima

Pinaiimbestigahan ni Senadora Leila de Lima ang aniya’y ‘evil of a woman’ na si Sandra Cam.

Sa dalawang pahinang sulat ni de Lima na kasalukuyang nakakulong sa PNP Custodial Center, iginiit nito na hindi dapat mabigyan ng pwesto sa gobyerno si Cam, at sa halip ay marapat na maimbestigahan kaugnay sa ilang mga aktibidad, maparusahan at makulong.

Batay aniya sa mga mapagkakatiwalaang sources, si Cam ay dawit daw sa ilang kaso ng swindling, illegal gambling at maging sa ilegal na droga.

Bukod dito, sinabi ni de Lima na si Cam, kasabwat ang ilang personalidad at operators, ay may malaking papel sa massive demolition job ng administrasyong Duterte laban sa kanya.

Kabilang aniya rito ang harrassment, coercion at blackmailing sa mga testigo.

Ayon kay de Lima, may ‘debt of gratitude’ si Duterte kapag nagtagumpay si Cam.

Binanatan din ng detained senator ang umano’y special relationship ni Cam sa pangulo, dahilan kaya pakiramdam ng talunang senatorial candidate ay untouchable siya.

Noon pa mang kampanya, si Cam ay isa sa mga kilalang supporters ni Duterte.

Nasangkot sa panibagong kontrobersiya si Cam dahil umano sa paninigaw at maling asal sa airport kamakailan.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento