Mga pahayag ni Lascañas, nais paimbestigahan ni Trillanes sa Senado

Paiimbestigahan ni Sen. Antonio Trillanes IV sa Senate public order committee ang mga inamin ni retired SPO3 Arthur Lascañas ukol sa Davao Death Squad o DDS.

Sa isang privilege speech, sinabi ni Trillanes na ang mga rebelasyon ni Lascañas ay maituturing na ‘big break’ para sa paghahanap ng katotohanan.

Hayagan aniyang idinawit ni Lascañas si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga insidente ng pagpatay na ginagawa ng Davao Death Squad.

Inaprubahan naman ang mosyon ni Trillanes ng Senate public order committee na pinangungunahan ni Sen. Panfilo Lacson.

Wala din tumutol na iba pang senador sa mosyon ni Trillanes.

Ayon naman kay Lacson, walang problema sa pagsasagawa ng imbestigasyon basta may referral na matatanggap ang kanyang komite.

Sa naging pag-amin ni Lascañas, sinabi nito na naging miyembro siya ng DDS at binabayaran umano sila ni Duterte ng P100,000 sa kada mapapatay sa drug suspek.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento