Napoles: ‘Tinangka akong huthutan ni De Lima’

Sinubukan umano ni dating Justice Sec. at kasalukuyang Sen. Leila de Lima na mangikil ng pera sa tinaguriang pork barrel scam mastermind Janet Lim Napoles.

Mismong si Napoles ang nagsabi ngayong araw na sinubukan umano ni De Lima na huthutan siya ng pera kapalit ang pagpapahinto sa muling pagbukas ng kasong serious illegal detention na isinampa naman laban sa kanya.

Pero hindi naman din nito sinabi kung magkano ang sinubukang i-extort na pera sa kanya ni De Lima.

Samantala, hindi lamang din umano si De Lima, na kasalukuyang nakakulong sa PNP Custodial Center, ang nagtangkang manghuhot sa kanya.

Gayunman, matatandaan na noong Abril 2015, sinentensyahan si Napoles ng Makati RTC Branch 150 ng reclusion perpetua, o 20 taon at isang araw hanggang 40 taong pagkakabilanggo, matapos na hatulang guilty sa pagkakabihag sa kanyang kaanak na si Benhur Luy.

Pero kamakailan lamang ay pinapabaligtad ng Office of the Solicitor General sa Court of Appeales ang serious illegal detention case laban kay Napoles na inihain mismo ni Luy.

Giit pa ni Napoles, wala naman daw kasi talagang nangyari na illegal detention.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento