PNP Custodial Center, ihinahanda ni CPNP Dela Rosa sakaling doon ikulong si Sen. De Lima

Iniaalok ni PNP Chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang PNP Custodial Center sa Kampo Crame sakaling ipaaresto si Senator Leila de Lima dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa ilegal na droga.

Sa panayam kay CPNP Bato sa PMA Alumni Homecoming sa Baguio, sinabi nito na pinakaligtas na pwedeng pagpiitan sa senadora ang nabanggit na custodial center dahil nasa loob ito mismo ng Kampo Crame.

Sinampahan ng iba’t ibang kaso si Sen De Lima sa Muntinlupa RTC dahil sa umano’y partisipasyon nito sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison.

Dumalo si CPNP Bato sa PMA Alumni Homecoming ]sa Fort del Pilar sa Baguio kasama ang mga mista sa PMA Class 1986.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento