Rape, plunder at treason inalis sa mga papatawan ng death penalty

Nagbago na naman ang direksiyon ang Kamara sa death penalty bill.

Sa katatapos lamang na caucus ng supermajority, napagkasunduan ng mayorya sa mga miyembro na limitahan sa drug related crimes ang pagpapataw ng parusang kamatayan.

Ibig sabihin, nalaglag na sa listahan ang plunder, treason at rape.

Inamin ni House Justice Committee Chairman Reynaldo Umali na mas madali nilang maipapasa ang death penalty bill kung limitado na ito sa drug related cases o crimes.

Hindi naman na tuloy bukas ang scheduled na second reading approval ng Kamara sa naturang panukala.

Ito’y dahil kailangan na panahon para sa amyenda.

Sinabi ni Umali na itutuloy na lamang ang botohan sa Miyerkules.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento