Nais umanong kopyahin ng bansang Thailand ang gawang Pinoy kayat muling inimbita ang Pinoy inventor na si William Moraca, Principal ng datal Salvan Elementary School San Jose sa General Santos City
Kinumpirma ni Moraca na interesado umano ang Thailand na kopyahin ang imbensiyon nito para mapaakyat ang tubig sa mga kabundukan sa pamamagitan ng manual motor na hindi na kailangan pa ang kuryente.
Unang nakita ng mga Thai ang imbensiyon ni Moraca ng inimbita ni King Bhumibol Adulyadej noong nagdaang taon sa kanyang kaarawan.
Abril 23 ang kanyang lipad papuntang Bangkok.
Pinasalamatan nito ang local government unit (LGU) at ang Department of Education (DepEd) na nagbigay ng pahintulot para makabalik sa nasabing bansa.
Matatandaan na si Moraca ang naglagay ng water facility para sa mga katutubong Blaan na nanirahan sa kabundukang bahagi ng San Jose.
Pinaakyat niya ang tubig sa pangalawang bundok ng lugar gamit lamang ang wind mill.
0 Mga Komento