Kinumpirma ng Cotabato Police Provincial Office (CPPO) na patuloy na nagpapalakas ang New People’s Army (NPA) sa pamamagitan ng pag-recruit nito ng high school students sa Cotabato.
Ayon kay Supt. Emmanuel Peralta, provincial director ng CPPO, karamihan sa mga bagong miyembro ng NPA ngayon ay mga estudyante, ngunit hindi pa makumpirma ang eksaktong bilang ng mga ito.
Aniya, nagsagawa na rin ng education at information campaign ang pulisya para kontrahin ang hakbang na ito sa mga liblib na lugar kung saan madalas pumunta ang mga komunistang rebelde.
Kinumpirma rin ni Peralta na napasok na ng NPA ang unang distrito ng Cotabato o ang P-PALMA (Pikit-Pigcawayan-Alamada-Libungan-Midsayap-Aleosan).
Sa ngayon, nag-o-operate din ang NPA sa ikalawa at ikatlong distrito ng Cotabato.
0 Mga Komento