Ilang miyembro ng NPA Tinambangan sa Agusan del Norte

Nasawi ang tatlo katao sa naganap na sagupaan sa pagitan ng mga sundalo at mga miyembro ng New People’s Army sa Sitio Sarug, Barangay San Isidro, Agusan del Norte.

Nagsasagawa ng combat operations ang tropa ng militar mula sa 29th Infantry Battalion nang makasagupa ang ilang miyembro ng NPA.

Kinilala ang mga nasawi na sina Sgt. Marlon Balais, scout leader ng batalyon; Jerson Beto, isang grade 11 student; at Pepito Tiambong, isang small-scale miner.

Tumagal ang bakbakan ng dalawang panig ng hanggang sa tatlong minuto.

Naisugod pa ang tatlong biktima sa Cabadbaran District Hospital pero idineklara rin na dead on arrival.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento