Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang conferment ng Medal of Valor o Medalya ng Kagitingan sa 42 Special Action Force (SAF) troopers na sumabak at nasawi sa engkwentro sa Mamasapano noong 2015.
Dahil dito, ipinag-bigay alam na ni Executive Sec. Salvador Medialdea kay Interior Sec. Ismael Sueno sa pamamagitan ng isang liham, na inaaprubahan na ng pangulo ang kaniyang endorsement.
Una nang nabigyan ng Medal of Valor ang dalawa sa 44 SAF commandos na nasawi sa Mamasapano incident na sina Senior Insp. Gednat Tabdi at PO2 Romeo Cempron.
Ipinagtaka naman ng pangulo kung bakit dalawa lang sa mga SAF commandos ang binigyan ng medalya, gayong lahat naman ng napatay ay nakiisa sa operasyon.
Kasunod ng pahayag na ito ay inendorso ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang 42 pa na SAF commandos para mabigyan ng medalya.
Ito ay sina:
1. Police Chief Inspector Ryan Pabalinas
2. Police Chief Inspector Max Jim Tria
3. Police Chief Inspector John Garry Erana
4. Police Chief Inspector Cyrus Anniban
5. Police Senior Inspector Joey Gamutan
6. Police Senior Inspector Rennie Lumasag Tayrus
7. SPO2 Lover Ladao Inocencio
8. SPO1 Rodrigo Fernandez Acob, Jr.
9. SPO1 Virgel Serion Villanueva
10. SPO1 Noel Onangey Golocan
11. SPO1 Andres Duque, Jr.
12. SPO1 Junrel Kibete
13. SPO1 Victoriano Acain, Jr.
14. SPO1 Robert Allaga
15. SPO1 Jedz-in Asjali
16. SPO1 John Lloyd Sumbilla
17. PO3 Amman Esmula
18. PO3 Romeo Senin II
19. PO3 Chum Agabon
20. PO3 Glenn Bedua
21. PO3 Richelle Baluga
22. PO3 Noel Balaca, Jr.
23. PO3 Joel Dulnuan
24. PO3 Walner Danao
25. PO3 Godofredo Cabanlet
26. PO3 Franklin Danao
27. PO3 Jerry Kayob
28. PO3 Noble Kiangan
29. PO3 Ehraim Mejia
30. PO3 Omar Nacionales
31. PO3 Rodel Ramacula
32. PO3 Roger Cordero Cordero
33. PO3 Peterson Indongsan Carap
34. PO3 Nicky de Castro Nacino, Jr.
35. PO2 Russel Bilog
36. PO2 Windel Candano
37. PO2 Loreto Capinding II
38. Po2 Gringo Cayang-o
39. PO2 Mark Lory Clemencio
40. PO2 Joseph Sagonoy
41. PO2 oliebeth Viernes
42. PO2 Angel Chocowen Kodiamat
0 Mga Komento