Mga lider komunista tinawag na spoiled brat ni Duterte

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na magbabago ang kanyang desisyon na suspendihin ang peace talks sa komunistang grupo.

Sa kanyang talumpati sa paglulunsad ng Hardin ng Lunas sa Presidential Security Group compound sa Malacañang, sinabi ng pangulo na sarad na ang kanyang isip sa isyu ng peace process.

“Para silang mga spoiled brat na gustong masunod kung ano ang gusto nila”, pahayag ng pangulo.

May kaugnayan ito sa pahayag ni National Democratic Front peace panel member Fidel Agcaoili na hindi pwedeng arestuhin ang mga NDF consultants dahil nagpiyansa ang mag ito.

Hinamon pa ng pangulo na magpalit na lamang sila ng pwesto ng mga communist leaders na ipinipilit ang kanilang hirit na pagpapalaya sa mahigit sa 400 political prisoners bago bumalik sa negotiating table.

Aminado si Duterte na dismayado siya dahil ang dami na niyang ibinigay sa NDF tulad ng pagpapakawala sa mga lider ng New People’s Army para lamang umusad ang peace talks.

Kapag nahuli ang mga NPA leaders na consultants ng NDF, sinabi ng pangulo na pagtatanimin niya ng gulay ang mga ito para madagdagan ang mga makikinabang sa Hardin ng Lunas project ng PSG at ilang Non-Government Organizatons (NGOs).


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento