Sagot ng MalacaƱang kay Callamard: Tuloy pa rin ang gyera kontra droga

Nilinaw ng Palasyo ng Malakanyang na hindi inihinto ni Pangulong Rodrigo duterte ang operasyon kontra sa iligal na droga.

Bwelta ito ng Malakanyang sa naging pahayag ni United Nations Special Rapporteur Agnes Callamard na welcome umano sa kanya ang utos ng pangulo na pansamantalang itigil muna ang war on drugs.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi titigil ang Operasyon ng iligal na droga hangga’t hindi natatapos ang termino ng pangulo ng hanggang 2022.

Maaring hindi aniya naintindihan ni Callamard ang ulat dahil base sa pahayag ng pangulo tuloy pa rin ang war on drugs.

Yun nga lang ayon kay Abella, hindi na muna ang PNP ang magsasagawa ng operasyon kundi ang Philippine Drug Enforcement Agency.

Sinagot din ni Abella ang panawagan ni Callamard na imbestigahan ang kwestyunableng patayan sa bansa.

Noon pa man aniya, inatasan na ng pangulo ang mga awtoridad na magsagawa ng imbestigasyon at isasapubliko aniya ang resulta ng imbestigasyon sa tamang panahon.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento