Umakyat na sa 10 ang nasawi at dalawa ang malubhang nasugatan sa kalat-kalat na sagupaan sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang mga napatay sa mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF-ISIS inspired group) na sina Buna Awba, Mando Guiamal, Mokamad Sagkupan, Roy Alik, alyas Salah, Abu Omar, Magui Datem, Mhads Mangibra, Aladin Rajah Pandalat at Fahad Tungao.
Sugatan din sa panig ng BIFF sina Daryl Mando at Theng Mando.
Narekober sa mga napatay ang matataas na uri ng armas at mga improvised explosive device (IED).
Ayon sa ulat ng intelligence unit ng 601st Brigade Philippine Army, nakasagupa ng mga sundalo at Cafgu ang mga rebelde sa Barangay Kobintog, Datu Unsay, Maguindanao.
Tumagal ng mahigit isang oras ang palitan ng bala sa magkabilang panig gamit ang matataas na uri ng armas.
Umatras ang mga terorista sa pamumuno ni Kumander Bungos nang bombahin sila ng dalawang Agusta 109 attack helicopter gunship ng Phil. Air Force at mortar shelling ng Philippine Army.
Dahil sa engkwentro, umabot sa 10 ang nasawi at dalawa ang nasugatan habang isa ang binawian ng buhay sa militar at isa ang nasugatan.
Sa ngayon ay pinaigting pa ng Joint Task Force Central ng militar ang pagtugis sa BIFF sa nasabing probinsya.
source :
0 Mga Komento