MUST READ THIS :
Mga nagsurrender na NPA sa administrasyon ni Duterte nasa 700 na. Mga susuko, maaaring madagdagan pa.
Umabot na sa higit 700 dating miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nagbalik loob sa pamahalaan sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Kabilang ang mga dating rebeldeng ito sa tinipon sa Naval Forces Eastern Mindanao upang personal na makausap ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nabatid na ang mga dating komunista ay nagmula pa sa iba’t-ibang probinsya ng Agusan, Bukidnon, Surigao, Davao, Cotabato at Sarangani na sumuko sa otoridad mula Enero hanggang ika-15 ng Disyembre ng kasalukuyang taon bitbit ang kanilang mga armas.
Matapos sumailalim sa verification process ay otomatikong tatanggap ang ga ito ng tulong pinansyal at pangkabuhayan na aabot sa P65,000 sa ilalim ng Comprehensive Local Integration Pogram (CLIP) ng gobyerno.
Samantala, aabot naman sa 265 na high at low-powered firearms ang isinuko ng mga dating rebelde at ipinakita ito sa Pangulo.
Dinaluhan naman ni Pangulong Duterte ang oath of allegiance ng mga daying rebelde kung saan nangako ang mga ito na tutulungan ang isa’t isa na magbagong buhay.
WATCH THE RELATED VIDEO :
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.
SOURCE : faceboook
0 Mga Komento