Kumbinsido si Trade and Industry Sec. Ramon Lopez na patunay na malakas ang tiwala ng mga investors sa pamahalaan at sa takbo ng ekonomiya ng bansa ang patuloy na paglakas ng stock market ng bansa.
Ginawa ni Sec. Lopez ang pahayag sa harap ng patuloy na record-high na stock index sa mga nakalipas na araw.
Sinabi ni Lopez, inaasahan ng mga investors na mas gaganda pa ang ekonomiya ng bansa at naniniwala sila sa economic fundamentals ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Lopez, nakabase ito sa nakikita nilang paglago ng gross domestic product (GDP), manufacturing na mayroong 9.4{804f8d94253f0d56ef22f7cac2997c5afd08c8871de0877d3e196c4872de7086} growth rate at dumaraming employment na magreresulta ng mas magandang market activity.
Iginiit pa ni Lopez na nakatulong din sa confidence-building ang bagong Tax Reform for Accelaration and Inclusion (TRAIN) Law na makakadagdag sa buwis ng gobyerno na magamit sa mga proyekto.
source : facebook
0 Mga Komento