Agad gumanti ang mga otoridad sa pagsalakay ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF-ISIS Inspired Group) ang Kato Detachment ng 57th Infantry Philippine Army sa Sitio Makun, Barangay Maitumaig, Datu Unsay Maguindanao bandang alas-10:00 kagabi.
Tumulong ang dalawang Agusta 109 attack helicopters ng Philippine Air Force at binomba ang BIFF.
Nagpakawala rin ng mga bala ng 105 mm howitzers cannon ang ground force ng militar sa lugar na nagtatago ang mga terorista.
Natapos ang airstrike alas-2:00 ng madaling araw kanina, nang umatras ang mga rebelde.
Bago pa man umatake ang BIFF ay natunugan na sila ng mga sundalo at lumikas na ang mga sibilyan na karamihan ay Teduray.
Sinunog din ng mga terorista ang tatlong bahay ng mga sibilyan na gagawin sanang pananggalang (humanshield), ngunit una nang lumikas.
Kinompirma ng mga lider ng katutubong Teduray na mahigit 10 ang nasawi sa BIFF at marami ang nasugatan.
Ngunit ayon kay BIFF Spokesman Abu Misry Mama, may nasawi at nasugatan din sa mga sundalo.
Pero tinawanan lamang ito ng militar at sinabing nanaginip lamang ang tagapagsalita ng mga terorista.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang combat clearing operation ng AFP laban sa BIFF sa Maguindanao.
SOURCE : facebook, bomboradyo
0 Mga Komento